Governor’s Message

Governor’s Message

Mabuhay!

Tungo sa pagtataguyod ng masiglang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Bulakenyo, itinatag ang Bulacan Packaging Service and Toll Packing Center (BPSTPC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Layuning nitong magbigay ng de-kalidad at maaasahang serbisyo sa mga lokal na negosyo sa larangan ng packaging at label designing. Ito ang kauna-unahang Packaging Center na pinapatakbo ng Lokal na Pamahalaan kaya’t nagsisilbi tayong huwaran sa ibang lalawigan sa proyektong sumusuporta sa hanapbuhay ng mga mamamayan.

Umaasa ako na ang website na ito ay makahihikayat at magbibigay ng impormasyon sa mga Bulakenyo tungo sa mas maunlad at masaganang Lalawigan ng Bulacan.

MABUHAY ANG DAKILANG LALAWIGAN NG BULACAN!

DANIEL R. FERNANDO
Punong Lalawigan